Pagkakalap ng impormasyon sa Telebisyon, Radyo at Diyaryo

By: Earl Trinidad

Ang panunuod ng telebisyon,pagbabasa ng diyaryo at ang pakikinig sa radyo ay isa sa mga pinagkukunan natin ng impormasyon lalo na sa panahon ngayon bukod sa cellphone o computer. Malaki ang ambag sa atin ng telebisyon dahil dito nakakakuha tayo ng imporsayon sa pamamagitan ng pakikinig,pagbabasa at panunuod lang. May mga show o segment kasi sa telebisyon na kapupulutan ng aral. Gaya nalang ng matanglawin, I believe! At superbook na paborito Ng mga bata ngunit ang masyadong tutok sa panunuod,pakikinig at pagbabasa ay nakakasira rin sa ating kalusugan gaya nalamang ng tv na pagnagbabad ka sa panunuod,pwedeng masira ang iyong mata dahil sa radiation.

Pagkakalap ng impormasyon sa pamamagitan ng isang symposium o sa pamamagitan ng grupo na nagbabahagi ng kanilang ideya

By: Harvey Magnaye

Sabi nga nila kapag ang isang grupo daw ay nagtutulungan, tiyak na magtatagumpay sila sa kahit anong laban. Ang group study ay isa rin sa paraan ng pananaliksik lalo na sa mga kabataan ngayon. Malimit kasi sa mga kabataan ngayon, gusto nilang ibahagi ang kanilang mga natutunan dahil napakalawak ng kanilang mga kaalaman dahil na rin sa teknolohiya. Ngunit dahil nga sa iba’t-ibang paniniwala magiging magulo ang ideya ng bawat isa datapwat hindi ito hadlang upang makakalap ng kaalaman sa bawat isa subalit magiging daan ito para sa mga mananaliksik na madagdag pa ang kanilang mga nalalaman higit pa sa kanilang kaalaman.

Pagkakalap ng impormasyon sa mga libro o aklat

By: Athea Niña Venus G. Basong

Noon unang panahon umaasa lang tayo sa mga aklat upang tayoy makakalap ng impormasyon. Napakalaking kontribusyon nga sa pananaliksik ang libro lalo na ang silid-aklatan Ngunit malimit nalamang sa mga estudyante ang pumupunta sa mga silid-aklatan dahil nga sa makabagong teknolohiya at dahil na rin sa hindi madaling basahin ang mga libro lalo na’t napakaraming libro ang ipagkukumpol-kumpol upang malaman kung tunay nga ito o hindi pero dahil nga sa mga tinatawag nilang “bookworm” meron pa ring iilang tao ang nawiwili sa pagbabasa ng akalatan upang manaliksik at makamtan ang ninanais na kaalaman.

Pagkakalap ng impormasyon sa pamamagitan ng internet

by: Christian dimaculangan

Malaking bagay na maiituturing ang teknolohiya sa atin. Lalo na kung gagamitin ito ng matiwasay at maayos. Ang pagsesearch sa internet ay isa sa pinakamahalagang paraan ng pananaliksiksa panahon ngayon dahil nandito na ang lahat ng iyong gustong malaman at ang gusto nyong itanong na kaya nitong sagutin. Mas mapapadali nito ang iyong pananaliksik. Ngunit may hindi mabuting kontribusyon din ang internet kasi hindi natin alam kung totoo ba o koro-koro lang ang ating nakalap na impormasyon.

44222127_124892908394043_7863357414077104128_n

Ang pagkakalap ng impormasyon sa pamamagitan ng interbyu

by: Zeus Martinez

Ang Pagiinterbyu ay isa sa mga paraan ng pananaliksik. Ito ay nakakakuha ng impormasyon base sa mga tanong na iyong gustong itanong sa interview ay dapat may kaalaman at may karanasan at makakapulutan ng aral ang kanyang sagot. Ang pagiinterview ay may kalakip din na negatibong epekto. ito ay kung ang taong iniinterview ay hindi seryoso at hindi tunay ang mga sinasabi. Hindi lang ang ating kaalaman ang madadagdan kundi atin na ring pagkatuto sa isang bagay.

Daan patungong kinabukasan

Malugod namin kayong binabati mula sa pangkat 6 ng STEM 11-4.Ang blog na ito ay tungkol sa mga iba’t-ibang paraan ng pananaliksik.

PROYEKTO SA E-TECH AT KOM-FILI

IPAPASA NINA:

                     Ginoong Jerome Delos Reyes

                     Binibining Lianne Reglos De Villa

IPINASA NINA:

Athea Nina Venus Basong

Zeus Martinez

Harvey Magnaye

Earl Trinidad

Christian Dimaculangan

 

KABATAANG MANANALIKSIK

Kami ang mga kabataang maghahatid sa inyo ng mga impormasyon batay sa pananaliksik. Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at nananatili sa Ating pagka pilipino.

Iba-iba ang nauuso sa ating bansa pero ang pinaka uso sa panahon ngayon ay ang paglago ng teknolohiya. Talaga namang nakaka impluwensya ang teknolohiyang ginamit kaya naman mas napapadali na rin ang buhay ng mga gustong manaliksik kagaya namin.

Ito ang Iba’t-ibang paraan sa pananaliksik sa panahon ngayon:

  • Pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng interbyu
  • Pagkalap ng impormasyon sa silid-aklatan
  • Pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya
  • Pagkalap ng impormasyon sa Tebisyon, Radyo at Diyaryo
  • Pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng isang symposium o sa pamamagitan ng grupo na nagbabahagi ng kanilang mga ideya