By: Athea Niña Venus G. Basong
Noon unang panahon umaasa lang tayo sa mga aklat upang tayoy makakalap ng impormasyon. Napakalaking kontribusyon nga sa pananaliksik ang libro lalo na ang silid-aklatan Ngunit malimit nalamang sa mga estudyante ang pumupunta sa mga silid-aklatan dahil nga sa makabagong teknolohiya at dahil na rin sa hindi madaling basahin ang mga libro lalo na’t napakaraming libro ang ipagkukumpol-kumpol upang malaman kung tunay nga ito o hindi pero dahil nga sa mga tinatawag nilang “bookworm” meron pa ring iilang tao ang nawiwili sa pagbabasa ng akalatan upang manaliksik at makamtan ang ninanais na kaalaman.