By: Harvey Magnaye
Sabi nga nila kapag ang isang grupo daw ay nagtutulungan, tiyak na magtatagumpay sila sa kahit anong laban. Ang group study ay isa rin sa paraan ng pananaliksik lalo na sa mga kabataan ngayon. Malimit kasi sa mga kabataan ngayon, gusto nilang ibahagi ang kanilang mga natutunan dahil napakalawak ng kanilang mga kaalaman dahil na rin sa teknolohiya. Ngunit dahil nga sa iba’t-ibang paniniwala magiging magulo ang ideya ng bawat isa datapwat hindi ito hadlang upang makakalap ng kaalaman sa bawat isa subalit magiging daan ito para sa mga mananaliksik na madagdag pa ang kanilang mga nalalaman higit pa sa kanilang kaalaman.