Kami ang mga kabataang maghahatid sa inyo ng mga impormasyon batay sa pananaliksik. Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at nananatili sa Ating pagka pilipino.
Iba-iba ang nauuso sa ating bansa pero ang pinaka uso sa panahon ngayon ay ang paglago ng teknolohiya. Talaga namang nakaka impluwensya ang teknolohiyang ginamit kaya naman mas napapadali na rin ang buhay ng mga gustong manaliksik kagaya namin.
Ito ang Iba’t-ibang paraan sa pananaliksik sa panahon ngayon:
- Pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng interbyu
- Pagkalap ng impormasyon sa silid-aklatan
- Pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya
- Pagkalap ng impormasyon sa Tebisyon, Radyo at Diyaryo
- Pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng isang symposium o sa pamamagitan ng grupo na nagbabahagi ng kanilang mga ideya